Thursday, March 22, 2012

DEMO

Sobrio, Sherelyn Wales.                                                                           Prof. Corazon Lapis
BEEd-2A

BANGHAY ARALIN
EDUKASYON SA PAGPAPALAKAS NG KATAWAN
IKA-ANIM NA BAITANG

I.              LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo ang mga sumusunod:

A.natutukoy ang pinagmulan ng katutubong sayaw na Tiklos na may ritmong 2/4
B. napahahalagahan ang kulturang inilalarawan ng katutubong sayaw na Tiklos
C. naisasagawa nang may wastong interpretasyon ang katutubong sayaw naTiklos

II.            PAKSANG ARALIN:
KASANAYAN:Kasanayang panritmo at sayaw
GAWAIN: Wastong pagsasagwa nang mga hakbang pansayaw nang katutubong sayaw na Tiklos
KAGAMITAN: CD Player at Visual aids
SANGGUNIAN:RBEC, pp.147, chapter III-B  4

III.           GAWAIN:
A.   PAMUKAW SIGLA:        Chicken dance

B.   ARALIN:

1.    PAGTATALAKAY:

KASANAYAN SA TIKLOS

Ang Tiklos ay isang katutubong sayaw na nagmula sa Leyte. Tumutukoy ito sa isang lingo nang pagaayos ng lupa para sa pagtatanim ng bukid at iba pang Gawain sa bukid,kasama na ditto ay pagpapatayo ng bahay. Tuwing tanghaling tapat ay nagtitipon ang mga tao upang mananghalian at magpahinga. Sa mga oras na iyon ay ipinapatugtog ang musika ng “Tiklos” gamit ang ibat-ibang instrument gaya ng pluta na sinasabayan ng gitara at ng tambol habang isinasayaw ito ng mga magsasaka.

HAKBANG SA PAGSASAYAW NG TIKLOS SA UNANG PIGURA

Ang mag-aaral ay nakaharap sa manonood. Ang mga babae ay nakahawak sa palda habang ang lalaki naman ay nakahawak sa baywang.

A.    Simula sa kanan, magsasagawa ng dalawang “heal and toe change steps” papunta sa direksyon na pasulong.
B.    Magsasagawa ng “change steps” ng dalawang beses. Isa papuntang kanan at isa papuntang kaliwa.
C.   Simula sa kanang paa magsasagawa ng apat na hakbang paurong pabalik sa dating lugar.


(Uulitin ang lahat ng hakbang mula A-C)

1.    GAWAIN: Ipaparinig ng guro ang tugtugin ng katutubong sayaw na tiklos habang siya ay pumapalak at pagkatapos sasabayan ng mag-aaral ang guro sa pagpapalakak na naaayon sa ritmo ng sayaw. Pagkatapos, pipili ang bawat isa ng kanilang kaparehas at isasagawa ng guro ang mga hakbang pansayaw sa unang pigura at susundan ito ng mag-aaral at pagkatapos ay sabay-sabay nilang sasayawin.

D.   PANGWAKAS NA GAWAIN:

THE LORD IS MY SHEPERD



The  Lord is my shepherd,
I’ll walk with him always.
He knows me and he loves me
I’ll walk with him always


Always, always,
I’ll walk with him always.
Always, always,
I’ll walk with him always.

(Repeat 2x)


IV.          PAGTATAYA:
1.    Saan nagmula ang katutubong sayaw natiklos at anu ang ritmo nito?
2.    Ilang hakbang pansayaw ang katutubong sayaw na Tiklos?
3.    Paano mo maipagmamalaki sa kulturang inilalarawan sa katutubong sayaw na Tiklos?

V.            Takdang aralin:
Alamin at pagaralan ang mga hakbang pansayaw sa ikalawang pigura ng Tiklos at ipakita ito sa klase.


No comments:

Post a Comment